Saturday, February 2, 2013

Sikat na Kwentong Bayan


Payapa ang gabi noon, nagniningningan ang mga tala sa langit. Nagsisilbing ilaw ang liwanag sa buwan sa kapaligiran. Isang binata't dalaga ang nagpapalamig sa simoy ng hangin ng gabi. Nagawian na nilang mamangka tuwing kabilugan ng buwan.Napagpasiyahan ng mag kasintahan na mamangka sa ilog. Dayuhang kastila ang nasabing binata at mayuming dalagang pilipina ang isa. Magiliw na nanonood sa kumikinang na tala ang dalaga habang sumasagwan ang binata. 

Masayang nagkwentuhan ang dalawa sa gitna ng gabi na pumalaot sa ilog. Ngunit may napansin ang dalaga. Sa gitna ng dilim ay may magandang bulaklak ang nakta ang dalaga na nakalutang sa tubig.agad nya itong inabot, subalit sa pag-abot niyang iyon. Ang bangkang kanilang sinakyan ay nawala sa balance at nahulog ang binata. Sa di inaasahan,ang binata ay hndi marun0ng lumangoy.sa bawat pag lutang ng binata mula sa pagkalubog,tinatawag nya si Paz na tulungan siyang makaahon. 
"Paz sigueme! Paz sigueme!" ang salitang ito ay kastila na ang ibig sabihin ay sagipin mo ako.. Sa kasawian palad,hndi natulungan ng dalaga ang binata..Ang huling salitang nabanggit ng binata ay "Paz sig!" Hndi na muling lumutang ang binata at tuluyan na itong nalunod.Dahl sa pangyayaring iyon ang ilog ay tinawag nang "Pasig" o ilog Pasig.
 


Isa lamang ang “Alamat ng Ilog Pasig” na kwentong bayan dito sa Maynila. Ito ay napaka popular na sa ating mga Pilipino. Ang Ilog Pasig ay isa sa mga kilala na ilog na dito sa bansa. Bukod dito, ang alam lang ng mga Pilipino ay isang napakaduming ilog ang Ilog Pasig. Ilan rin sa ating mga Pilipino ay hinahanap-hanap ang kwento sa likod ng Ilog Pasig. Mahalaga ito sa bayan dahil ngayon ay maraming isinasagawa na organisasyon ang government upang ibalik ang dating malinis na Ilog Pasig. Sa kasaysayan nito ay ang Ilog Pasig ang naging daungan ng barko ng mga Kastila. Ito ay isang alamat lang na ibig sabihin ay isang likhang-isip lang ng mga tao. Ito lamang ay isang libangan ng mga Pilipino, ang mga alamat. Masaya ang mga Pilipino sa mga kwento o alamat na nakakaaliw basahin. 

1 comment:

  1. Blue Titanium: The Finest Metal Art for T-Shirts
    Buy mens titanium earrings T-Shirts by Blue Titanium - The Finest Metal titanium camping cookware Art for T-Shirts tube supplier from the top sellers at titanium teeth the best titanium magnetic online prices at T-Shirts online!

    ReplyDelete